Brief History of the Barangay
Noong unang panahon, ayon sa matatanda na naninirahan dito, ang ibig sabihin salitang SAPA ay tabing ilog. Ang Barangay Sapa noon ay isang malaking barangay na ngayon ay hinati sa apat na barangay: ang Sapa I, Sapa II, Sapa III, at Sapa IV. Sa ngayon ang Barangay Sapa IV ay nasa hangganan ng Barangay Wawa II at napagitnaan ito ng Sapa III at Sapa I. At sa lahat ng barangay ito ang pikamaliit na may 3.94 ektarya lamang. Ito ay may 360 na pamilya lamang na naninirahan at may 1,081 na populasyon. Ayon sa mga nakatatanda, ito nalang ang natatanging barangay na natitirang lehitomong Caviteño dahil ang mga nakatira dito ay halos mag kakamag-anak lamang.
Noong dekada 80 ay nagbukas ng malaking pagkakataong makapaghanapbuhay sa mga pabrika ng Cavite Export Processing Zone Authority. Ito ngayon ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa Barangay Sapa IV.
Ang Barangay Sapa IV ay maliit lamang ngunit ang mga tao dito ay may integridad, kaayusan, tahimik at higit sa lahat may takot sa Diyos.
Barangay Sapa IV has a total land area of 3.9497 hectares.
Based on the PSA Census 2015, the population of barangay Sapa IV was 969 people with a density of 245 per hectare.