Iginawad muli sa ating bayan ang Seal of Good Local Governance (SGLG) 2024 Award na tinanggap ng ating butihing Mayor Voltaire Ricafrente at Vice Mayor Bamm Gonzales. Ito na ang ika-anim na pagkakataong ginawaran tayo ng parangal.
Ang parangal na ito ay pagkilala sa dedikasyon ng Pamahalaang Bayan at mga pinuno nito sa pagpapanatili ng maayos, epektibo, at responsableng pamamahala na nagsusulong ng kapakanan ng bawat isang taga-Rosario.
Congratulations Municipality of Rosario Cavite!