Brief History of the Barangay
Ayon sa matatanda na naninirahan dito ang Barangay Sapa ay hango sa salitang SAPA na ang ibig sabihin ay tabing-ilog. Ang Barangay Sapa noon ay isang malaking barangay na ngayon ay hinati sa apat na barangay: ang Sapa I, Sapa II, Sapa III, at Sapa IV. Sa ngayon ang Barangay Sapa I ay nasa hangganan ng Barangay Wawa II.
Noong dekada 80 ay nagbukas ng malaking pagkakataong makapag-hanapbuhay sa mga pabrika ng Cavite Export Processing Zone Authority na nagiging sanhi ng paglobo ng populasyon. Dahil dito nagkaroon ng pagpupulong ang Sangguniang Panlalawigan ng Cavite na magpasa ng resolusyon ukol sa paghihiwalay at pagtatatag ng mga bagong barangay sa mga bayan kabilang na dito ang Sapa I, Sapa II, Sapa III at Sapa IV.
Barangay Sapa I has a total land area of 11.9535 hectares.
Based on the PSA Census 2015, the population of barangay Sapa I was 2,210 people with a density of 185 per hectare.