Brief History of the Barangay
Ang Barangay Ligtong III , ay nagsimula sa nag-iisang barangay na ang tawag ay Barangay Ligtong na mas kilala sa tawag na Paso I at Paso II. Subali’t ang barangay Ligtong III ay mas kilala sa tawag na Paso de Tabla.
Ang karaniwang hanapbuhay dito ay pagsasaka at pangingisda dahil ang kabuuang lupa na nasasakop ng Philippine National Oil Company (PNOC) ay sakahan at taniman ng palay, gulay, prutas at pakwan.
Ang kabuuang sukat ng Barangay Ligtong III ay 28.58 ektarya na ang 70 bahagdan nito ay sakop ng PNOC. Sa tagal ng panahon ay nawala na ang mga sakahan at taniman dahil napalitan ito ng mga kabahayan, na ipinagkaloob sa mga tao na binabayaran nila sa lokal na pamahalaan.
Sa larangan ng pulitika ay hindi rin magpapahuli ang aming barangay dahil marami rin na nanungkulan dito sa ating bayan, tulad nila Mayor Calixto Enriquez, Vice Mayor Jose Rozel “Jing Jing” Hernandez at Konsehal Porfirio Enriquez.
Kung kaya’t ang naging karaniwang hanapbuhay na sa panahon natin ay ang pagtitinapa, paggawa ng mga basahan, factory worker, construction worker at ang iba naman ay nagtayo ng maliliit na tindahan.
May ilog ito na nanggaling sa EPZA at dumadaloy na parang humahati sa kalagitnaan ng barangay na nagsisimula sa may Tramo Road hanggang Pinagpala St. palabas sa Malimango River.
Mayroon itong sub-station ng pulisya na matatagpuan sa Marseilla Street, multi-purpose hall na matatagpuan sa Pinagpala St., barangay hall, barangay health station , barangay day care center at covered court na matatagpuan sa Garizon Street.
Ang aming barangay sa kabuuan ay masaya at tahimik ang pamumuhay
Barangay Ligtong III has a total land area of 28.5870 hectares.
Based on the PSA Census 2015, the population of barangay Ligtong II was 6,821 people with a density of 239 per hectare.