Ginanap ngayong umaga ang Turnover Ceremony ng dalawang palapag na gusali na may anim na silid aralan para sa mga mag-aaral ng Bagbag National High School. Pinangunahan ito Konsehal Raul Hernandez bilang kinatawan ni Mayor Voltaire Ricafrente, Mr. Rafael F. Simpao, Jr. – Security Bank Foundation Chairman, SGOD Chief Dr. Diana Topacio – DepEd Cavite, Ms. Rachel Villafuerte – De La Salle Philippines Consultant, Dr. Carmela Oracion – Ateneo De Manila Educational Development Director, Dr. Joel O. Peregrino – PSDS DepEd Rosario, Mr. Norman C. Barroso – BNHS Principal, and Mr. Ernesto M. Mojica – Former Principal of BNHS.
Lubos na nagpapasalamat ang ating butihing Mayor Voltaire Ricafrente at Vice Mayor Bamm Gonzales sa Security Bank Foundation Inc. sa pagkakaloob sa atin ng anim na silid aralan na magagamit ng ating mga mag-aaral mula Bagbag National High School. Malaking tulong ito sa ating mga kabataang nagsusumikap upang maabot ang kani-kanilang mga pangarap sa buhay.
Muli, Maraming Salamat po sa inyong patuloy na suporta sa mga Batang-Salinas.