Alinsunod sa pagdiriwang ng National Children’s Month na may temang "Break the Prevalence, End the Violence; Protecting the Children, Creating a Safe Philippines", nagkaroon ng State of the Children Address ang ating butihing Mayor Voltaire Ricafrente kasama ang mga Barangay Child Representatives, mga Guro, at mga representante ng iba’t ibang opisina ng munisipyo at mga empleyado.
Inilahad ng ating butihing Mayor Voltaire Ricafrente ang mga kinahaharap na suliranin ng mga Batang Rosario, at ang mga hakbangin ng Lokal ng pamahalaan upang matugunan ito. Sa kanyang mensahe, tiniyak ni Mayor Voltaire ang buong suporta sa mga programa na may kinalaman sa pagpapaunlad at pagpapaganda ng kinabukasan ng bawat bata.
Patuloy din ang mga programa ng ating pamahalaan para sa ating mga Kabataan gaya ng sa Kalusugan, Educational Assistance, Libreng School Supplies, Dental Check-up at iba pa. Hinikayat din nya ang lahat ng mga Kabataan na unahin ang kanilang pag-aaral upang maging tulay sa kanilang kinabukasan at maayos na pamumuhay. Hinimok din nya ang lahat na magtulong-tulong upang ating patuloy na makamit ang isang Bayang Tahimik, Masaya at Maunlad.