Ginanap ngayong umaga ang isang Peace Covenant Signing na naglalayong gawing ligtas, payapa at patas ang darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Election.
Pinangunahan ito ng ating butihing Mayor Voltaire Ricafrente kasama ang COMELEC Election Officer, Mr. Glicerio R. Alarkon, III, MLGOO Ms. Evelyn Alvarez, PMAJ Sandie Caparroso at mga kinatawan ng mga Religious Group sa ating bayan.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Mayor Voltaire ang lahat ng mga kumakandidato na gawin ang lahat upang mapanatili ang isang maayos at payapang halalan.
JustloVeRosario
BayAngtahimikMasayaatMaunlad