Pinarangalan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang Lokal na Pamahalaan ng Rosario sa pangunguna ng ating butihing Mayor Voltaire Ricafrente at Vice Mayor Bamm Gonzales para sa mahusay na pag-gamit ng Electronic Local Government Unit Business Permit and Licensing System (eLGU BPLS). Kinilala rin ang ating Lokal na Pamahalaan bilang Most Outstanding LGU - Top 3 eLGU Implementer under the 1st and 2nd Class Municipalities Category sa Calabarzon.
Ang pagkilalang ito ang nagpapatunay sa kahusayan at kahandaan ng ating Lokal na Pamahalaan sa pag-gamit ng mga makabagong teknolohiya upang patuloy na matulungan ang ating mga kababayan lalo na sa larangan ng pagnenegosyo.