"Dugo mo, Dugtong Buhay ko."
Ginanap ngayong umaga ang Blood Letting Activity ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Myor Voltaire Ricafrente at Vice Mayor Bamm Gonzales sa pakikipagtulungan ng Philippine Childrens Medical Center. Katuwang din natin ang SM City Rosario na syang pinagdausan ng nasabing aktibidad. Higit 100 katao ang personal na nagtungo upang magdonate ng dugo na syang makatutulong sa ating mga kababayan.