Ginanap ngayong araw ang Signing of Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Rosario at Landbank of the Philippines para sa programang Land for the Landless. Pinangunahan ito ng ating butihing Mayor Voltaire Ricafrente kasama si Vice Mayor Bamm Gonzales, Sangguniang Bayan Members at mga Department Heads, kinatawan naman ni Mr. Jesse J. Calibuso VP, Cavite Lending Center ang LBP.
Nagpasalamat si Mayor Voltaire sa pamunuan ng Landbank para sa pagsasaayos ng kasunduan. Hiling nya sa mga magiging benepisyaryo na maging daan nawa ito sa kanilang pag-unlad sa buhay. Inalala din nya ang ika-apat na taong anibersaryo ng paglisan ng Alamat, Mayor Jose “Nonong” Ricafrente na syang naging simula ng mga programang may kinalaman sa palupa sa ating bayan. Pangako nya na ipagpapatuloy ang mga ito upang ating patuloy na matamasa ang isang Bayang tahimik, Masaya at Maunlad.