Para sa maayos at tapat na pamamahala sa pananalapi ng Pamahalaang Bayan ng Rosario, kinilala ang ating Lokal na Pamahalaan, ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa Good Financial Housekeeping.
Nagpapasalamat ang Lokal na Pamahalaan ng Rosario sa pangunguna ni Mayor Voltaire Ricafrente sa pagkilalang ito ng DILG. Pangako nya na pagpapatuloy ng tama, tapat, at maayos na pamamahala ng pondo ng bayan!